Remulla kinastigo sa social media PULITIKA ISININGIT SA PANDEMYA

0

BATIKOS at hindi paghanga at suporta ang inani ni Cavite Governor Jonvic Remulla nang ihayag nito sa kanyang social media account na tatakbo siyang muli sa darating na 2022 election.

Ilang minuto lang matapos mag-post sa Facebook ay binaha ng mga negatibong mensahe ang gobernador maging sa kanyang Twitter account.

Tanong ng netizen na si William Lastimado: “Tatakbo ka nanaman?

“Wag na po Gob. Respeto naman sa natitirang lupa sa Cavite. . . puro na po intsik eh, mkhang kaming taga Cavite na ang nagmumukhang dayo,” Ayon naman sa netizen na may username na Jun Jun na nagpapahayag ng pangamba na patuloy pang madaragdagan ang mga POGO hub sa kanilang lalawigan kung mauupong muli si Remulla.

Ayon naman kay Lups-malups Yawyaw: “Bago sana magparamdam ng ganyan ay unahin na muna ang kalagayan ng bayan mo. Lubog na wala pa ring pagbabagong nagaganap”.

“Katakawan sa kapangyarihan. Kakasawa na ang pamamlakad mo. . . wala ka naming significant at mabuting naidulot. Iba naman” ayon kay Niverk Glask.

“Diyan kayo magaling kilala niyo ang taong Bayan pag malapit na eleksiyon mahiya naman kayo,” himutok naman ni Vyze Macabugao.

Agad namang tinanggap ng gobernador ang kanyang pagkakamali at humingi ng paumanhin.

Sa Twitter account ni Remulla, inamin nito na hindi pa napapanahon at nalagay sa hindi maganda na pag-usapan ang darating na eleksiyon sa panahon na ang mga Filipino ay nakikibaka sa pandemiya dulot ng COVID-19.

“Ako po ay humihingi ng paumanhin tungkol sa huling post ko. Talking about the next election in the midle of the pandemic was both premature and in bad taste. I want all of you to know that I only have the sincerest intentions in mind and I am very sorry for the bad timing,” nakasaad sa kanyang Twitter account.

Nangako rin si Remulla na ang mga paksa na kanyang sasabihin sa mga susunod na post ay tumatalakay sa mga aksiyon na makatutulong sa kasalukuyang sitwasyon.

“Moving on the topics you will hear from me will be more about how to help the people survive (vaccine efforts and how to recover all the lost opportunities. Action over words,” ipinost ng gobernador sa kanyang FB account.

Nauna rito, nag-post sa FB si Remulla hinggil sa planong pagtakbo muli bilang gobernador ng lalawigan. Binanggit din nito na magiging maingay muli ang social media ukol sa mga kandidato na nagnanais tumakbo sa iba’t ibang posisyon at titindi rin ang awayan, maraming siraan, bardagulan at walang tigil na pakapalan ng mukha at pagbuhat sa sariling bangko.

Huli na nang mapagtanto ng gobernador na hindi pasado sa panlasa ng netizens ang pagpaparamdam ng mga politiko para sa pansariling interes lalo pa’t nasa gitna ng pandemya at matinding kahirapan ang mga Filipino. (SIGFRED ADSUARA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment