(NI BERNARD TAGUINOD)
INILUKLOK ang panganay na anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Rep. Paolo ‘Pulong’ Duterte bilang isa sa 11 House Deputy Speaker ngayong 18th Congress.
Isa ang mga aksiyon ni Duterte sa mga inabangan sa pagbubukas ng 18th Congress, Lunes ng umaga, partikular na sa botohan sa speakership ng Kamara subalit siya ang unang nag-nominate kay Taguig-Pateros Rep. Allan Peter Cayetano sa nasabing posisyon.
Kasama rin sa mga inihalal bilang Deputy Speaker sina South Cotabato Rep. Ferdinand Hernandez, Sorsogon Rep. Evelina Escudero, Antique Rep. Loren Legarda at Butil Rep. Conrad Estrella III, Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay Jr., at Antipolo Rep. Roberto Puno.
Maging sina CIBAC party-list Rep. Eduardo Villanueva, Pampanga Rep. Aurelio Umali Jr., Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel at Rep. LRay Villafuerte ng Camarines Sur ay naihalal bilang Deputy Speaker.
Tulad ng inaasahan, si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez , na isa sa nangungunang kandidato sa speakership subalit nagparaya kay House Speaker Alan Peter Cayetano, ang nailuklok bilang House Majority Leader.
Nahalal naman bilang bagong Sgt-At-Arms ng Mababang Kapulungan si retired Philippine National Police Deputy Director General Ramon Apolinario habang si dating Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Jose Luis Montales ang Secretary General ng Kapulungan.
138