REP. TEVES PINASALAMATAN SA MABILIS NA AYUDA SA MINDORO

LABIS ang pasasalamat ng mamamayan ng Oriental Mindoro kay Negros Oriental Rep. Arnie Teves sa maagap na pagtulong nito sa Calapan City ng nasabing lalawigan kamakailan.

“Salamat po sa inyong agarang tulong na pinarating. Malaking bagay po,” mensahe ni Calapan City PTA past president Gilbert Matchimura.

Nabatid din na si Rep. Teves ay nagpasabi ng karagdagang ayuda sa Caguisikan Elementary School, kung saan ang mambabatas ay magpapadala ng ilang bag ng semento para sa pathways ng paaralan.

Si Rep. Teves ay kilala sa pagiging matulungin hindi lang sa Negros kundi maging sa ibang sulok ng bansa.

24

Related posts

Leave a Comment