Rescue ops tinangkang pigilan ng CCG FISHING BOAT SUMABOG SA BAJO DE MASINLOC

SINUBUKAN pang pigilan ng mga tauhan ng China Coast Guard ang isinagawang rescue operation ng mga kagawad ng Philippine Coast Guard para masagip ang mga tripulanteng sakay ng sumabog na fishing boat malapit sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Sa inisyal na ulat, sugatan ang dalawang Pilipinong mangingisda matapos sumabog ang makina ng sinakyan nilang bangka malapit sa Bajo de Masinloc.

Ayon sa PCG, sinubukan silang harangin ng China Coast Guard na namataan malapit sa lugar kahit idineklara nila sa mga ito na magsagawa sila ng emergency response sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas kaugnay sa naganap na maritime accident.

Naispatan din malapit sa insidente ang dalawang China Coast Guard vessel.

Gayunpaman, nalapatan pa rin ng paunang lunas ng mga tauhan ng PCG ang mga biktima na nagtamo ng 2nd-degree burns.

Ayon sa Philippine Coast Guard, naganap ang insidente nitong Sabado, bandang alas-9 ng umaga.

Sinabi ni Balilo na base sa pahayag ng mga crew, posibleng nagkaroon ng short or faulty electrical wiring sa battery ng starter motor ng fishing boat na naging dahilan ng pagsabog at paglubog ng kalahating bahagi ng bangka.Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa pangyayari. (JESSE KABEL RUIZ)

49

Related posts

Leave a Comment