RESULTA NG MOU PABOR SA BANSA – DOE

(Ni LILIBETH JULIAN)

Tiniyak ng pamahalaan ng magiging paborable sa Pilipinas ang anumang kalalabasan ng memorandum of understanding (MOU) ng Pilipinas at bansang China na may kinalaman sa oil and gas development cooperation.

Ayon sa pahayag ni Energy Secretary Alfonso Cusi, prayoridad ng kanyang tanggapan na pangalagaan ang long term energy security ng bansa.

Kabilang na rito ang pag-develop sa indigenous energy resources sa pinagtatalunang teritoryo sa bahagi ng West Philippine Sea.

Binigyan diin ni Cusi na kung anuman ang kahihinatnan ng MOU ay mapoprotektahan din ang karapatan ng mga service contract holder.

144

Related posts

Leave a Comment