HINDI na magkakaroon pa ng paggalaw sa resulta ng mga naisagawang pre-election survey.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Proffesor Froilan Calilung ng UST political Science Department na batay sa dalawang huling isinagawang survey ay napaka-minimal na ng paggalaw nito.
Sinabi ni Calilung na ito ay ang survey na ginawa ng OCTA at Publicus kung saan, 2 percentage points ang nadagdag kay Bongbong Marcos at 1 percentage point naman kay VP Leni Robredo.
Aniya, habang papalapit ang May 9, nakikita niya na wala na halos paggalaw o pagbabago pa sa mga ikinakasang pre-election survey.
Batay na rin aniya sa mga nilabas na pag-aaral, mayorya ng voting public ay nasa hanay ng tinatawag na hard voters. (CHRISTIAN DALE)
92