RICE CARTEL MAGHAHARI SA RICE RATIFICATION

rice

(NI BERNARD TAGUINOD)

WALANG ibang makikinabang sa Rice Ratification Bill kundi ang mga rice cartel na magdidikta ng presyo ng bigas sa bansa na posibleng maging dahilan para lalo pang tumaas ang presyo ng pangunahing pagkain ng mga Filipino.

Ito ang ibinabala ng mga militanteng grupo sa Kamara kaugnay ng nasabing panukala na nakatakdang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng maging dahilan ng tuluyang pagkamatay ng rice industry sa bansa.

Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, ang layon ng Rice Ratification ay payagan ang mga pribadong rice importers na mag-angat ng bigas ng walang limitasyon at pahihinain na ang National Food Authority (NFA) dahil ang trabaho na lamang ng nasabing ahensya ay para sa buffer stock na lamang.

“Ang dapat sanang gawin ay palakasin pa ang NFA para mas marami siyang mabiling palay sa mga lokal na magsasaka sa mas mataas na halaga.Sa ganitong paraan ay hindi mapipilitang magbenta ang mga magsasaka sa kartel ng bigas,” ani Zarate.

Base sa mga datos, ang 22 million metric tons ang nauubos na bigas sa Pilipinas taon-taon subalit 19 million tons  lang ang naaani ng mga Filipino kaya ang kakulangan dito ay inaangkat ng NFA sa ibang bansa.

Noong 2017 ay wala pang dalawang porsyento sa 19 million tons ang nabili ng NFA dahil mas mababa ang bili ng mga ito kumpara sa mga private rice traders bukod sa nagamit ng perang pambili ng palay sa mga lokal na magsasaka sa kanilang utang.

Sinabi ni Zarate na kung ang maging trabaho ng NFA sa ilalim ng rice tarification bill ay siguraduhin na hindi mauubusan ng stock ng bigas at payagan ang mga private rice traders ng mag-angakt ng bigas na walang limitasyon, hindi lang mamamatay ang mga local na magsasaka kundi makokontrol na ng rice cartel ang presyuhan dito.

“Ang mangyayari sa presyo ng bigas ay matutulad sa presyuhan ng langis na parating tumataas depende sa international market dahil mas dun nakasalalay ang supply.Mataas na nga presyo ng bilihin dahil sa TRAIN law lalong pang tataas dahil sa rice tarrification,” ayon pa kay Zarate.

 

208

Related posts

Leave a Comment