RICE SUBSIDY IPAMBIBILI NG PALAY NG FARMERS

(NI ABBY MENDOZA)

INAPRUBAHAN ng House committee on Agriculture ang substitute House Joint Resolution (HJR) na naglalayong gamitin ang 2019 rice subsidy fund para ipambili ng palay ng mga magsasaka para tugunan ang epekto ng Rice Tariffication Law.

Kasabay nito ay umapela si House Committee on Agriculture Chair Mark Enverga sa  Malacanang na masertipikahang urgent ang panukala upang agad na maipatupad.

Sa ilalim ng joint resolution na inihain nina House Majority Leader Martin Romualdez,

Tingog party-list Rep. Yedda Marie Romualdez at  Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ay gagamitin ang PP33.9B rice subsidies sa ilalim ng 2019 P3.757-trillion national budget para ipambili ng palay ng mga magsasaka.

Ang palay na bibilhin ay gagawing bigas na sya nang ipamamahagi sa rice subsidy program ng gobyerno kasama na dito ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)

Sa ilalim ng  4Ps ay nakatatanggap ng P600 kada buwan na rice subsidy na financial.assistance ang mga beneficiaries at sa oras na maaprubahan ang panukala ay hindi na pera kundi 20 kilos kada buwan na lamang ang ibibigay.

Sa pagdinig ng komite nitong Miyerkoles, tiniyak ni Presidential Adviser on Legislative Affairs Secretary Adelino Sitoy na sisikapin nilang makakuha ng urgent certification mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Tiwala si Sitoy na agad itong lalagdaan ng Pangulo lalo at ito rin ang kanyang ipinapanukala at suportado din ng Department of Social Welfare and Development.

Sinabi ni DSWD Director Gemma Gabuha na noong September pa nila tinatalakay ang bagay na ito at ginagawa na rin ang memorandum circular para sa pamamahagi ng bigas.

Sa oras na maaprubahan ang resolusyon ay ililipat sa National Food Authority (NFA) ang pondo na gagamitin sa pambili ng palay.

Ang 4Ps ay ipinatutupad sa may 17 regions sa bansa, sakop nito ang 79 lalawigan, 143 siyudad at 1,484 munisipalidad. Ang mga beneficiaries ay pinipili sa pamamagitan ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR).

 

 

238

Related posts

Leave a Comment