RICE TARIFF SINASABAYAN NG SMUGGLING?

zarate22

(Ni BERNARD TAGUINOD)

Hindi isinasantabi ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na sinasabayan ng mga smugglers ang rice tariffication law o Republic Act (RA) 11203 kaya bumababa ng imported na bigas sa bansa.

Sa press conference, ginagawa ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang nasabing paniniwala dahil aabot umano sa 3.1 million metric tons ang kabuuang bigas na papasok sa bansa hanggang sa katapusan ng taon bagay na itinatanggi ng Department of Agriculture (DA).

Base sa mga ulat, sinabi ng ahensya na aabot lamang umano sa 1.8 million metric tons ang inangkat na bigas ng Pilipinas sa ibang bansa kaya may kulang na 1.3 million metric tons kung ang Agricultre department ng Estados Unidos ang pagbasehan.

“Ako’y naniniwala na talagang maraming smuggled na bigas. Sinasabayan na nila dahil kahit sino na lang ngayon ay pwede nang mag-import, hindi ka na kailangang kumuha ng import permit,” ani Zarate.

Sa ngayon ay hindi na aniya namomonitor ng National Food Authority (NFA) kung ilang milyong metrikong tonelada ng bigas ang naangkat na ng mga rice importers simula ng ipatupad ang batas noong Marso 2019.

“Naging liberal na ang pag-angkat ng bigas at bulag tayo kung ilan ba talaga ang inaangkat na bigas kaya baka  marami ang smuggled talaga,” pahayag ng mambabatas.

Dahil dito, lalong mamamatay umano ang sektor ng pagsasaka dahil ang itutulong sa ipinangako ng gobyerno para sa mga ito ay mula sa buwis na kukunin sa mga imported rice.

226

Related posts

Leave a Comment