RIDING IN TANDEM WALA PANG NASAMPULAN

DISMAYADO ang Kamara dahil wala pang progreso sa kaso ng mga riding in tandem at mga vigilante na pumatay sa mayorya sa biktima ng war on drugs ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pagdinig ng House committee on human rights na pinamumunuan ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., lumabas na bukod sa mga napatay sa police operation ay mas marami ang nabiktima ng riding in tandem.

Base sa mga report, mahigit 6,000 ang namatay sa police operations dahil nanlaban umano ang mga biktima subalit kung isasama ang mga napatay ng riding in tandem at vigilante group ay aabot ito ng 30,000.

“It puts us in a very uncertain condition, I mean generally. Because the more that these are not identified, itong mga vigilante group, the more we are saying that our streets are not really safe for anyone. So we’re relying on the police to really find out kung sino ba talaga itong mga vigilante na mga gunmen,” ani Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong.

ICC papasukin

Samantala, hinamon naman ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na papasukin na at payagan ang International Criminal Court (ICC) na mag-imbestiga sa war on drugs.

Sinabi ng mambabatas na tanging ang ICC na lamang ang pag-asa para makamit ng kaanak ng mga biktima ng war on drugs ang katurungan kahit magsasagawa na ng imbestigasyon ang Kongreso.

“Committee hearings can only do so much. The government must decisively act to provide justice for the thousands of victims of extrajudicial killings under the Duterte regime’s brutal drug war,” ani Brosas.

Sa pamamagitan aniya ng ICC ay makakatiyak na papanagutin ang mga responsable sa war on drugs gaano man katas ang posisyon ng mga ito sa gobyerno o gaano kalawak ang kanilang impluwensya.

“Many women have been widowed, and children orphaned due to these senseless killings. The government has an obligation to ensure that their cries for justice are heard and addressed,” dagdag pa ng mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)

40

Related posts

Leave a Comment