RIGODON NG AIRLINES SA NAIA IKAKASA NG MIAA

NAKATAKDANG ipatupad ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang major re-assignment ng airlines sa Ninoy Aquino International Airport (NAAI), sa Disyembre upang maiwasan ang passenger congestion, partikular sa NAIA Terminal 2 at Terminal 4.

Ayon sa impormasyon, magsisimula ang regodon ng airlines sa Disyembre 1, 2022, ang Philippine Airlines (PAL) flights papuntang United States, Canada, Middle East at Bali (Denpasar) ay malilipat sa NAIA Terminal 1.

At ang ibang PAL international at domestic flight ay mananatili sa NAIA Terminal 2.

Ayon kay MIAA General Manager Cesar Chiong, ito’y antisipasyon sa pagdagsa ng mga pasahero sa darating na kapaskuhan, at upang maiwasan ang passengers congestion sa Terminal 2.

Dagdag pa nito, ang check-in procedures ng US bound passengers ay ililipat din sa Terminal 1, at pinayuhan ang mga ito na magbigay ng ample time para sa TSA-mandated secondary checks and other security inspections na requirement sa lahat ng US bound flights.

Para sa mga pasahero ng PAL sa NAIA Terminal 1 na mayroon connecting flights sa Terminal 2, maglalaan ang airline ng shuttle service na maghahatid sa mga pasaherong patungo sa mga terminal.

At ang Air Asia flights sa Terminal 4 papuntang Cebu at Caticlan ay malilipat naman sa Terminal 3 simula sa Disyembre 16, 2022.

Kaugnay nito, pinayuhan ni MIAA Manager Choing ang PAL at Air Asia na sundin ang kanilang mga iskedyul upang maisaayos ang terminal pre-departure area congestion, at upang maiwasan ang flight delay. (FROILAN MORALLOS)

38

Related posts

Leave a Comment