ROADWAY LIGHTS, SIGNS SA NLEX-SCTEX DINAGDAGAN

SA layuning mas mabigyan ng maayos na serbisyo ang mga motorista ay pinag-ibayo ng North Luzon Expressway (NLEX) Corporation sa ilalim ng kanilang enhancement program ang mga roadway light and signs sa loob ng NLEX at Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX).

“With over 1,000 brighter lights and more than 600 new signs for installation, we are aiming to clearly, directly, and safely guide motorists to their destinations,” ayon kay NLEX Corporation president and general manager J. Luigi L. Bautista.

Dagdag pa ni Bautista na ang patuloy na enhancement efforts ay dahil na rin sa mga kahilingan ng mga customer mula sa iba’t ibang touchpoints tulad ng stakeholder consultations, dialogues, fora, surveys at ng social media.

“Covering both the northbound and southbound directions of NLEX-SCTEX, the signage project involves the replacement of old and installation of additional road signs for improved visual navigation,” sabi ni Bautista.

Ayon naman kay Kit Ventura, media relation chief, “The signs were also upgraded to go beyond the standards by increasing the font and sign sizes as well as increasing reflectivity to remain highly visible during nighttime.”

Nakatakdang tapusin ang mga nasabing proyekto sa Mayo ng taong kasalukuyan.
Para naman sa road safety ng mga motorista, nakatakda ring makumpleto ang pagpapalit ng mahigit isang libong interchange and median LED lighting mula NLEX Balintawak to Tabang bago matapos ang buwan ng Pebrero. ELOISA SILVERIO

173

Related posts

Leave a Comment