ROMUALDEZ DAPAT ITIGIL PAG-EPAL SA AYUDA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

KINASTIGO ni Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte si House Speaker Martin Romualdez dahil sa malinaw umanong paggamit nito sa ayuda para sa pansariling interes.

Sa prayer rally sa Cebu City noong Linggo ng gabi, hinamon ng batang Duterte si Romualdez na tanggalin ang pangalan sa mga ipinamamahaging ayuda.

“Sige, lokohin niyo pa kami! Lokohin niyo pa kami!” may himik ng paghahamon na pahayag ni Duterte patungkol kay Romualdez.

Nakarating umano sa kaalaman ng alkalde na tadtad ng pangalan ng lider ng Kamara ang mga ayudang pinamigay sa mga biktima kamakailan ng pagbaha sa Davao Region.

“‘Ipakita mo nga sa akin kung kaya mong mamigay ng ayuda na wala ang iyong pangalan? Sige daw! Hinahamon kita sa susunod na baha,” ayon pa kay Duterte.

“Sa sunod na may sunog, sige hinahamon kita! Magbigay ka ng ayuda na walang pangalan at mukha mo! Sige?” aniya.

“Akala ninyo ang bansang ito at ang mga tao dito ay playground lang ninyo dahil nasa inyo ang kapangyarihan ngayon? Tandaan ninyo, may parusa ‘yan, may parusa yan!” tila may pagbabanta pang sabi ni Duterte.

Bukod dito, inalala rin ng alkalde ang pagsusulong ng People’s Initiative (PI) para amyendahan ang 1987 Constitution na ikinagalit aniya ng mga kababayan niya sa Davao.

Naniniwala rin ang alkalde na target ng PI na mapahaba ang termino ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamamagitan ng Charter change (Cha-cha).

Sa ginanap na Hakbang ng Maisug Prayer Rally sa Cebu City nitong Linggo, kabilang sa mga dumalo ang dating executive secretary ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez.

Katulad ng ibang mga dumalo sa rally, nakasuot din si Rodriguez ng t-shirt na may nakasulat na “Filipinos are not for sale”.

89

Related posts

Leave a Comment