ROMUALDEZ SURE NA SA HOUSE SPEAKERSHIP

TIYAK na ang pagiging susunod na House Speaker sa 19th Congress ni Leyte Rep. Martin Romualdez dahil wala na itong kaagaw sa nasabing posisyon.

Hanggang kahapon ay walang lumulutang na katunggali si Romualdez sa liderato ng susunod na Kongreso na pormal na magsisimula sa Hunyo 30, 2022 dahil ang Minority leader na lamang ang pinagtatalunan.

Noong Sabado, tuluyan nang nagparaya si Pampanga Rep-elect at dating House Speaker Gloria Macapagal Arroyo kay Romualdez na kasalukuyang majority leader ng 18th Congress.

“I am throwing my support for Majority Leader Martin Romualdez to be elected as House Speaker in the next Congress. I urge all members of our party to do the same,” ani Arroyo noong Sabado kasabay ng panawagan sa lahat ng miyembro ng Lakas-CMD na suportahan ang una.

Si Arroyo ay isa sa mga inaasahang contender sa Speakership na dati niyang hinawakan mula July 23, 2018 hanggang Hunyo 30, 2019 matapos mapatalsik bilang Speaker si Davao Rep. Pantaleon Alvarez.

Ang pagpaparaya ni Arroyo ay kasunod ng pahayag ng National Unity Party (NUP) na si Romualdez ang kanilang kandidato sa Speakership na sinundan ng mga grupo ng party-list congressman.

Maging ang Nacionalista Party (NP) ni dating Senate President Manny Villar na isa sa may pinakamaraming miyembro sa Kamara ay nagpahayag na rin ng suporta kay Romualdez.

“The Nacionalista Party is throwing its full support to Leyte 1st District Representative and House Majority leader Ferdinand Martin Romualdez to become the next Speaker of the House of Representatives,” ayon kay Las Piñas Rep. Camille Villar. (BERNARD TAGUINOD)

39

Related posts

Leave a Comment