RORE MISSION SA AYUNGIN TULOY

TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong nakalipas na linggo na muling magpapadala ng mga karagdagang kagamitan at pagkain ang militar para sa mga tropa nito sa Ayungin Shoal.

Ayon sa AFP, kailangang umayos ang Tsina dahil ngayon nakasubaybay na ang buong mundo.

Inihayag ng tagapagsalita ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na si Col. Medel Aguilar na itutuloy nila ang rotation and resupply (RORE) mission sa BRP Sierra Madre na nagsisilbing military garrison o detachment ng AFP sa Ayungin Shoal.

Nagbabala ang AFP sa China Coast Guard (CCG) na itigil ang pakikialam sa kanilang rotation and resupply (RoRe) missions sa BRP Sierra Madre na nakadaong sa Ayungin Shoal na nasa loob mismo ng Exclusive Economic Zone at iwasang gawin ang anomang aksyon na magbibigay panganib sa buhay ng mga tao.

“We therefore call on all parties to abide by their obligations under international law and respect the Philippines sovereign rights and jurisdiction over its maritime shoals,” ani Aguilar.

“They should not do any action that will endanger the people’s lives.”

“All the consequences that their singular act will do, the blame will be to them and to the authorities above them. So they should behave,” dagdag pa ng opisyal.

Kung matatandaan, noong Agosto 5, ginamitan ng water cannon ng Chinese Coast Guard ang resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

Samantala, nakabuo rin ng panibagong alyansa ang United States of America, Japan at South Korea na layuning bantayan at tiyakin ang malayang paglalayag sa Indo-Pacific region.

(JESSE KABEL RUIZ)

99

Related posts

Leave a Comment