(NI JESSE KABEL)
SINABI ni Armed Forces of the Philippine Armed Forces of the Philippines (AFP) public affairs office chief Col. Noel Detoyato, na sasanayin sa Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) ang paggamit ng mga sandatang gamit ng AFP bilang asignatura sa senior high school.
Mula sa paggamit ng malilit na baril gaya ng M-16 Armalite rifle at M-1911 caliber .45 pistol hanggang sa 105mm howitzer cannons ang pag-aaralan at pagsasanayan ng mga kadete.
Bukod sa pagpapaputok at paggamit ng mga nabangit na sandata ay sasanayin din ang mga mag aaral sa pagkakalas at muing pagbubuo ng mga nabangit nab aril.
“Points of instruction usually includes assembly and disassembly of weapons and familiarization firing which depends on the school’s approval,” ani Detoyato.
Bukod sa sa paghawak ng mga sandata ay bibigyan din ang mga ROTC cadets ng mga kaalaman sa humanitarian and disaster response.
“Training on disaster response will also be given emphasis as this is an important role ROTC cadets has to be prepared to perform in times of disaster,” ani Detoyato.
Una nang inihayag ng Department of National Defense na ang mandatory ROTC bill ay hindi “military-centric” sa halip ay naka tutok ito sa values formation.
Nabataid na sa ilalim ng House Bill 8961 o mandatory ROTC training sasailalim ang mga mag aaral sa paglinang s akanilang,” diwa ng pagseserbisyo., patriotism at nasyunalismo, paggalang sa karapatang pantao.
297