TINAWAG ng isang grupo ng manggagawa na isang ‘April Fools prank’ ang return to office (RTO) order ng gobyerno sa mahigit 1.4 milyong manggagawa sa business process outsourcing (BPO) mula Abril 1.
“The RTO is a recipe for disaster. It is an “April Fools’ prank” that endangers occupational safety and health, and work-life balance,” ayon sa Inter-Call Center Association of Workers (ICCAW).
Mula Marso 2020, work from home (WFH) na lamang ang mga call center agent dahil sa pandemya sa COVID-19 pandemic.
Subalit dahil humupa na umano ang pandemya, pinababalik na ang mga ito sa kanilang opisina.
Sinabi ng grupo na may kinalaman umano sa ekonomiya at buwis ang RTO ng gobyerno kaya isinasantabi na ng gobyerno ang kaligtasan ng mga ito sa COVID-19.
“Dapat balik trabahong ligtas para sa BPO workers,” ayon pa sa ICCAW.
“Alternatives to a full RTO by April 1 can be considered such as 50 to 75% of BPO workers returning to the office and implementing a compressed work week while maintaining the work from home
or anywhere for the rest of the week,” mungkahi pa ng mga ito. (BERNARD TAGUINOD)