SA BAGONG VCMs: BUDGET SA 2022 ELECTIONS TATAAS NG 50%

comelec132

(NI HARVEY PEREZ)

NAGBABALA ang Commission on Elections (Comelec) na malamang na tumaas ng 50 porsiyento ang kakailanganing pondo ng poll body sa 2022 Presidential elections kung magpapalit ng mga bagong Vote Counting Machies (VCMs).

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, mahal ang presyo kapag bumili ng bagong VCMs.
“Kaya medyo mababa ang ginastos ngayong halalan, ang mga ginamit natin na VCMs ay iyong ginamit noong 2016 elections,” sabi ni Jimenez.

“Kung bibili ka ng brand new, balik ka sa original cost. Ang jump sa cost [in conducting election], mga 50%. Baka nga hindi lang ganun,” paglilinaw pa ni Jimenez.

Ipinaliwanag pa nito na mayroong 95,000 VCMs kung saan 85,000 ang nagamit at 10,000 ang back up.

“Pero 1,000 voters per VCM lang [ratio] nun. You need to increase that number for 2022 [Presidential elections]. Kung hindi, aabot ka ng 1,500 voter per VCM.”

Sinabi ni Jimenez na maaari din umanong umupa o umarkila ng VCMs ang Comelec sa susunod na eleksiyon upang manatiling mababa ang budget.

 

283

Related posts

Leave a Comment