SA ITINAYONG MALL; EX-MAYOR HULI SA GRAFT

munoz12

(NI JG TUMBADO)

DINAKIP ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang dating alkalde sa Munoz City, Nueva Ecija dahil sa kinakaharap nitong kasong graft.

Sa bisa ng arrest warrant, isinakatuparan ang pagdakip kay Efren Alvarez nitong Biyernes ng gabi sa Bayuga Street, Barangay Poblacion South nang matunton ng Intelligence operatives ng Nueva Ecija Provincial Police Office at CIDG Regional Police Office 3 (PRO3).

Si Alvarez ay kapatid ng kasalukuyang alkalde ng Science City of Munoz.

Nitong nakalipas na 2009 ay hinatulan ng guilty ng Sandiganbayan si Alvarez sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act kaugnay sa maanomalyang pagpapatayo ng isang shopping mall sa lupang pag-aari ng gobyerno sa Muñoz.

 

 

160

Related posts

Leave a Comment