MALABO na maideklara ang ‘new normal’ ngayong Abril dahil ang natitirang bahagi ng Pilipinas ay mayroong mababang booster vaccination rate.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na sa kabila ito na ang National Capital Region (NCR) at iba pang rehiyon sa bansa ay mayroong mataas na vaccination rate, lalo na sa primary doses.
“Yes, kasi ‘yung challenge natin ngayon—’yung primary doses medyo walang problem diyan dito sa NCR at ibang lugar, tumataas pero malayo pa rin ang mga booster shots,” ani Concepcion, sabay sabing epektibo ang bakuna matapos ang anim na buwan.
“I was all for Alert Level Zero pero dapat mataas ‘yung percentage of boosting sa mga LGUs (local government units),” pagpapatuloy nito.
Kamakailan ay sinabi ng isang infectious disease expert na handa na ang Pilipinas para ipatupad ang Alert Level Zero.
Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na tatalakayin ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang “metrics and elements” ng itinuturing na “more lenient alert level.”
Base sa data ng DoH, tinatayang 65 milyong indibidwal sa bansa ang fully vaccinated laban sa COVID-19 “as of March 20.” Tinatayang 11.5 milyong indibiduwal naman ang nakatanggap na ng kanilang third o booster dose. (CHRISTIAN DALE)
85