Sa matatandang naturukan ng China vax BOOSTER SHOT INIREKOMENDA NG WHO

0

REKOMENDADO ng World Health Organization Organization (WHO) na bigyan ng booster shot ang matatandang unang naturukan ng Sinovac at Sinopharm COVID-19 vaccines at maging mga indibidwal na may mahinang ‘immune system’.

Pero nilinaw ng Strategic Advisory Group of Experts on Immunization (SAGE) na hindi nila inirerekomenda ang pagbibigay ng booster shot sa mayorya ng populasyon kahit ginagawa na ito sa ibang bansa.

Sa halip, nais ng WHO na magpatupad ng moratorium sa booster doses hanggang hindi nababakunahan ang mga populasyon ng mahihirap na bansang kapos pa sa suplay ng bakuna.

“SAGE recommended that moderately and severely immunocompromised persons should be offered an additional dose of all WHO EUL COVID-19 vaccines as part of an extended primary series,” ayon sa SAGE.

Sinabi ni SAGE secretary Joachim Hombach na may mga ebidensya rin silang nakalap na nagiging limitado ang proteksyong ibinibigay ng Sinovac at Sinopharm vaccines sa mga may edad 60-anyos pataas kaya kailangan ng booster shot.

Samantala, nanindigan naman si Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na hindi pa kailangan ng pamahalaan na magkaloob ng booster shots sa mga fully-vaccinated individual sa bansa dahil wala pa naman silang nakikitang ‘waning effect’ o paghupa ng epekto ng bakuna. (RENE CRISOSTOMO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment