SA NAPALAYANG CONVICT: SHOOT TO KILL, IKASA — GO 

bong go55

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

KUMBINSIDO si Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go na dapat ibalik sa kulungan ang mga pinalayang convicted sa heinous crimes sa gitna ng implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

“Lahat nga dapat i-recall, hulihin kung hindi maibalik o sumurender, shoot to kill,” saad ni Go sa ambush interview sa Senado.

Sinabi ni Go na malinaw naman na hindi kwalipikado ang mga ito para sa maagang paglaya dahil sa bigat ng krimeng kanilang ginawa.

Partikular na tinukoy ni Go ang mga convicted killers ng Chiong sisters gayundin ang mga sangkot sa operasyon ng droga.

Kasabay nito, tiniyak ni Go na mananagot ang dapat managot, hindi lamang si Bureau of Corrections Director General Nicanor Faeldon, kung hindi lahat ng pumirma at nagproseso ng release orders.

“Ako managot ang dapat managot. Kung sino ang mga pumirma sino ang nagpalusot. Para nga sa akin dapat ibalik lahat kung sino ang mga na-release na hindi naman qualified, ibalik sila, hanapin sila, ayaw nilang sumurender, shoot to kill,” diin pa nito.

Kinumpirma rin ni Go na magsasagawa ng sariling imbestigasyon si Pangulong Rodrigo Duterte upang alamin kung nagkaroon ng suhulan sa mga release orders.

106

Related posts

Leave a Comment