Sa pagkakalat ng fake news BADOY, SMNI NI QUIBOLOY KAKASUHAN

MATAPOS paratangang extortionist ang militanteng hanay ng mga guro, patong-patong na kasong kriminal ang nakatakdang isampa ni ACT partylist Rep. France Castro laban kay dating National Task Force-End Local Communist Armed Conflict (NFT-ELCAC) spokesperson Lorraine Badoy at isang nagpakilalang miyembro ng komunistang grupo.

Bukod kay Badoy, pinag-aaralan na rin ani Castro ang pagkaladkad sa Sonshine Media Network International (SMNI) na pag-aari ni Pastor Apollo Quiboloy na nagsilbing presidential spiritual adviser ni former President Rodrigo Duterte.

“We will file necessary legal remedies,” ani Castro laban sa Badoy at isang nagngangalang Jeffrey Celis na nagpakilalang dating kaanib ng Community Party of the Philippines – National Democratic Front – New People’s Army.

Particular na inalmahan ni Castro ang mga binitawang pahayag nina Badoy at Celis sa isang programa sa SMNI kaugnay ng di umano’y ginagawang pangingikil ng ACT partylist group sa mga guro ng mga pampublikong paaralan.

Ayon kina Badoy at Celis, napupunta lamang kay Castro ang P20 na buwanang kaltas sa tinatanggap na sahod ng mga public school teachers.

“We reiterate that there is zero truth in the claims circulating online that ACT Teachers Party-List has been extorting teachers. These are simply fake news and another attempt to destroy our character, call us criminals, and stir away conversation from the worsening economic crisis in the country,” ani Castro.

“Ang binabanggit nilang P20 na binabawas sa mga miyembro ng unyon ng mga guro ay ang kanilang union dues na bumabalik rin sa mga guro sa pamamagitan ng mga medical and other benefits, union services, at pagpasok sa mga negosasyon kasama ang DepEd tungo sa mga Collective Negotiation Agreement para sa mga miyembro ng regional unions,” paliwanag ng mambabatas.

“Ito ay legal na kaltas sa mga member ng mga unyon na naaayon sa batas ukol sa Public Sector Unionism. Walang kinalaman ang ACT Teachers Party-List sa usaping ito at pawang mga paninira lamang ang mga pinapakalat na sa akin daw napupunta ito,” dagdag pa niya. (BERNARD TAGUINOD)

27

Related posts

Leave a Comment