SA PAGLAYA NG 70-ANYOS PATAAS NA PRESO; SUNDIN ANG BATAS – SOLON

(NI BERNARD TAGUINOD)

HATI ang mga mambabatas sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na palayain ang mga preso na edad 70 anyos pataas dahil naniniwala ito na hindi na gagawa ang mga ito ng krimen.

Sa press conference nitong Miyerkoles, sinabi ni House minority leader Bienvenido Abante na hindi lamang umano ang awa ang dapat pairalin sa pagpapalaya sa mga matatandang presyo kundi  ang batas.

“In a way that would be compassionately and emotionaly okey, but what about the law? Ano nakalagay sa batas?,” tanong ni Abante.

Ayon sa mambabatas, may mga matatandang preso ang nasentensyahan na multiple life imprisonment na kailangan nilang pagsilbihan at hindi puwede makalaya sa pamamagitan lang ng awa.

Ayon naman kay ACT-CIS party-list Rep. Nina Taduran, may kapangyarihan si Duterte na gamitin ang kaniyang presidential pardon power para makalaya ang mga matatandang preso.

Sa katunayan aniya, nagbibigay na pardon ang Pangulo sa mga presong inirekomenda ng Board of Pardons and Parole kada taon o tuwing Pasko kaya maaaring gawin ito ng Pangulo sa mga matatanda at may sakit na preso.

“Pinabibilisan lang naman ng Pangulo ang proseso, pero nasisiguro ko na ayaw din naman niyang maisama sa listahan yung mga nagsasakit-sakitan lang at yung matatanda nga pero nakagagamit pa rin ng cellphone para patakbuhin ang kanilang drug empire,” ani Taduran.

 

185

Related posts

Leave a Comment