Sa pagtapyas ng pondo ng DepEd 60K SENIOR HIGH, POSIBLENG MAG-DROPOUT

NABABAHALA si Senador Win Gatchalian na aabot sa 60,000 estudyante ang posibleng mag-dropout dahil sa pagkaltas ng P8.4 bilyong pondo sa Department of Education (DepEd) para sa paglaban sa COVID 19.

Tinukoy ng senador ang mga benepisyaryo ng Senior High School Voucher Program o SHS VP na tinapyasan ng P1.4 bilyong pondo.

Kabilang din sa mga apektadong programa ang school-based feeding program na kinaltasan ng P500 milyon.

Kinaltas din ang P107 milyon pondo para sa Special Education Program sa mga kabataang may kapansanan.

Dismayado rin ang senador sa pag-realign ng mahigit P102 milyong pondo para sa Computerization Program na maaari sanang magamit sa pagpapatupad ng Learning Continuity Plan o LCP lalo na ngayong darating na pasukan.

“Halos 80 porsiyento ng mga enrollees ng DepEd ay kabilang sa marginalized sector o yung mga estudyanteng higit na nangangailangan, kung kaya’t lalong dapat hindi natin kaltasan ang budget ng mga importanteng programa ng DepEd para

maipagpatuloy ng lahat ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral,” saad ni Gatchalian.

Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni DepEd Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla na sumulat na ang kagawaran sa DBM upang huwag nang galawin ang natitirang pondo ng DepEd. (Dang Samson-Garcia)

83

Related posts

Leave a Comment