Sa pananalasa ng ASF SWINE INDUSTRY LUGI NG P1-B KADA BUWAN

PASPASAN at puspusang pagbabakuna ng mga alagang baboy ang mungkahi ng isang kongresista bilang tugon sa dulog ng mga industriyang patuloy na iniinda ang P1-bilyong nawawala sa kanilang buwanang kita sa tuwing mananalasa ang African Swine Fever (ASF) sa bansa.

Sa inihaing House Resolution 772, hinikayat ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang Department of Budget and Management (DBM) na iprayoridad ang paglalaan at paglabas ng pondong pambili ng bakuna kontra ASF.

Gayundin ang apela sa Department of Agriculture (DA) – mas mabilis at malawakang pagbabakuna kontra ASF sa mga hog farmers at backyard raisers.

Pagtataya ng swine industry, pumapalo sa P1 bilyon kada buwan ang sa kanila ay nawawala sa pananalasa ng ASF sa kanilang mga patabaing alaga mula taong 2019 hanggang 2021.

Ani Villafuerte, pinakamabigat ang epekto sa mga backyard raisers.

“Despite the efforts of the government, as the disease spread throughout the Philippines from 2019 to 2021, the area lost nearly USD 20 million (katumbas ng P1 bilyon batay sa palitang P50 sa kada dolyar) a month as explained by Noel Reyes, spokesman for the Department of Agriculture,” ayon sa resolusyon.

Taong 2021 ng paksain ni Villafuerte ang pagpalo sa P400 kada kilo ang baboy sa palengke bunsod ng pagkamatay ng hindi bababa sa 6.6 milyong patabaing alagang sapul ng naturang sakit.

Aniya, angkop lang na kagyat na tugunan ang problema ng industriyang napipilitang magtaas sa presyo ng binebentang baboy sa mga pamilihang bayan sa tuwing kinakapos ang supply.

“There is a need for a more aggressive response to ASF such as the procurement and implementation of vaccines that have already been developed for safe and effective use in Vietnam and are being studied in other countries.” (BERNARD TAGUINOD)

33

Related posts

Leave a Comment