Sa panukalang tabletas sa halip na pagkain sa mahihirap NETIZENS: MARCOLETA IPADALA SA IBANG PLANETA

(FERNAN ANGELES)

MATAPOS ang “kakaibang” solusyong giit ng isang kongresista para sa mga kumakalam na sikmura ng mga maralitang Pilipino, isang petisyon ang inihain ng grupong change.or – ang target ng petisyon, ipadala sa ibang planeta si SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta.

Sa ginanap na deliberasyon ng Commission on Appointments (CA) sa interim appointment ni Renato Solidum bilang Kalihim ng Department of Science and Technology (DOST), iminungkahi ni Marcoleta ang paglikha ng tabletas na kahalintulad ng astronaut pills na ginagamit sa mga space exploration.

Ayon kay Marcoleta, hindi na makakaramdam ng gutom ang mga maralita kung magagawa ng DOST na lumikha ng giit na tabletas.

“They spend days even months [mga astronaut] without cooking their food kasi hindi naman sila pwedeng magluto doon sa kanilang spaceship,” ayon sa kinatawan.

“Kung sakali pong makaimbento tayo nong kinakain nila [mga astronaut] ibibigay ko po sa mahihirap na kababayan natin, even for months hindi sila kakain, hindi sila mamamatay eh. Mayroon po ba tayong ganon? Makakagawa po ba tayo ng ganon?” aniya pa.

Kantiyaw naman ni Dr. Tony Leachon na dating health adviser ng Palasyo sa kanyang Facebook post – “ano ba ang kinakain ng mga legislators lately?”

Ayon kay Maxx Santiago na nagpasimula ng online petition:

“Panukala ni Cong. Marcoleta, mag-imbento ng pagkain para sa nagugutom nating kababayan na batay sa pagkain ng mga astronaut. Ayon sa mambabatas, solusyon ito sa kagutuman dahil isang lagok lang ng pill ay maiibsan ang gutom ng dalawang linggo hanggang isang buwan. Ipadala na natin siya sa ibang planeta! Magandang ideya!”

Hamon naman ng netizen na si Michael Evangelista, dapat unang sumubok ng isinusulong na tableta kontra gutom ang nasabing kongresista – “I want Marcoleta to be the first to try on what he’s suggesting.”

Duda naman sa “katinuan” ng kongresista ang ilang lumagda sa petisyon.

“Congress should seriously consider helping a Filipino legislator. He badly needs help. Bring him to the nearest psychiatric facility ASAP.”

31

Related posts

Leave a Comment