MAS mataas ng dalawang porsyento sa pinakahuling isinagawang Pulso ng Pilipino survey ng Issues and Advocacy Center (The Center) si Vice President Sara Duterte kung ikukumpara kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.
Si Duterte ay nakapagtala ng 44% sa Pulso ng Pilipino ng Issues and Advocacy Center (The Center), samantalang si Marcos ay nakakuha ng 42% sa survey.
Batay sa pagkakasunud-sunod, si Duterte ay may 44% sa net PHL, 23% sa fully satisfied, 43% sa slight satisfied, 22% sa not satisfied at 12% sa don’t know.
Nakakuha naman si PBBM ng 42% sa net PHL, 25% sa fully satisfied, 40% sa slight satisfied, 23% not satisfied at 12% sa don’t know.
Nanguna naman sa survey si Korte Suprema Chief Justice Alexander Gesmundo na may 47% sa net PHL, 24% sa fully satisfied, 39% sa slight satisfied, 16% sa not satisfied at 21% sa don’t know.
Kapwa nasa ikalawang pwesto sina House of Representatives Speaker Martin Romualdez na nakapagtala ng 44% sa net PHL, 19% sa fully satisfied, 44% sa slight satisfied, 19% sa not satisfied at 18% sa don’t know at Duterte.
Nasa pangatlong pwesto lamang si Marcos na sumunod kina Speaker Romualdez at Duterte na parehong nakakuha ng 44% sa net PHL.
Pinakahuli at panglima si Senate President Francis “Chiz” Escudero na may 36% sa net PHL, 17% sa fully satisfied, 40% sa slight satisfied, 21% sa not satisfied at 22% sa don’t know.
Ang mga tanong na ipinukol sa limang pinakamatataas na opisyal ng gobyerno ay ang nasisiyahan, bahagyang nasisiyahan, hindi sigurado o hindi alam.
Ang survey ay nagsimula noong Hulyo 29 hanggang Agosto 7, 2024 na isinagawa buong bansa mula NCR, CAR, Region 1-XII, ARMM at CARAGA. (JOEL O. AMONGO)
36