Sa renovation ng Bahay Pangulo MARCOS INUNA LUHO KAYSA SIKMURA NG MASANG PINOY

(SAKSI NGAYON)

IPINAPAKITA lang ng administrasyong Marcos na hindi nila alintana ang kahirapang namamayani sa halos kalahati ng pamilyang Pilipino kaya mas inuna nilang buhusan ng pondo ang pagpapaayos sa Bahay Pangulo.

Obserbasyon ito ng maraming netizens kaugnay sa viral photos ng ni-renovate na opisyal na tirahan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at First Lady Liza Araneta-Marcos sa Bahay sa Palasyo ng Malacañang.

Nauna nang binatikos ng grupong Bayan Muna ang anila’y maluho at mala-resort na tirahan ng mga Marcos.

“The unveiling of President Bongbong Marcos’ newly renovated official residence, complete with luxurious amenities, is nothing short of a slap in the face to the 59% of Filipino families who consider themselves poor,” ani dating Bayan Muna party-list Congressman Teddy Casiño.

Ipinaalala rin ng dating mambabatas na malinaw na nakasaad sa Saligang Batas na kailangang mamuhay ng simple ang public officials subalit hindi ito sinunod ng mag-asawang Marcos.

Mistulang personal resort aniya ng pamilyang Marcos ang Bahay Pangulo habang ang mamamayang Pilipino ay araw-araw problemado kung saan kukunin ang kanilang panggastos.

Basahin ang ilan sa mga komento ng netizens sa X:

James:
I can’t believe this. The Marcoses are still living in a luxury even now in the midst of multiple crisis. This “Bahay Pangulo” would be the biggest robbery of our people’s taxes.
Sana lang, pera ng mga Marcos ang nag-renovate niyan kundi nakakagalit pag galing sa buwis ng tao.

90b:
Inuna nya po kaartehan kesa palaguin ang bansa

Dayunyor:
Para bang walang problema sa pera ang Pilipinas.
Nangangalap ng maraming pera para i-Maharlika fund, pilit kinukuha ang Philhealth excess fund, walang nangyari sa pledges na ginastusan sa mga foreign trips.
Pero inuna pa ang proyektong walang balik sa ekonomiya.

Harper:
Bakit kailangan may mala world class na resort/bahay ang pangulo na may P203 BILLION na utang sa BIR?
At lagi naman siyang nasa abroad.
Napakaluho.

Coconut:
Samantala, ayon sa SWS, 16.3 million Filipinos ang nagsasabing naghirap sila.

wonderer:
All that opulence paid for by taxpayers’ money when millions of Filipinos are mired in poverty.
One thing the Marcoses are obsessed with is lavishness.

Bern:
This is where your taxes go. This is how the Marcoses spend your money…and live life in luxury.

84

Related posts

Leave a Comment