Sa SIM registration MAGBIBIGAY NG FALSE INFO MAKUKULONG

(CHRISTIAN DALE)

MAY kaparusahang pagkakulong sa subscriber na magbibigay ng mga maling impormasyon sa pagrerehistro ng SIM card.

Sa darating na Disyembre 12 ay ilalabas na ang implementing rules and regulations (IRR) ng SIM Registration Act na magiging epektibo sa Disyembre 27.

Natapos na ng National Telecommunications Commissions (NTC) ang draft ng IRR at nakatakda ang public hearing nito sa Disyembre 5.

Nakasaad sa draft IRR, “a SIM card user may register his number within six months, which may be extended for four more months. However, it will be automatically deactivated if the SIM card is not registered within the given period.”

Sinabi ng NTC na may kahaharaping penalty o parusa para sa mga magbibigay ng false information sa panahon ng SIM registration.

“Ang penalty po dito ay imprisonment ranging from six months to two years or a fine of not less than P100,000,” ayon kay NTC deputy commissioner Jon Paulo Salvahan.

“There will also be an imprisonment of at least six years if the subscriber uses a stolen SIM or is not registered under the user’s name,” aniya pa rin.

Base sa Section 6 ng IRR, “the registration form shall be accomplished electronically through a secure platform or website to be provided by the PTEs to their respective subscribers.”

Kailangan ibigay ng mga ito ang basic details kabilang na ang ” full name, date of birth, sex, present or official address, valid government-issued ID.”

Ayon sa NTC, ang users ay maaaring magrehistro ng maraming SIM cards.

Maglalagay naman ang NTC at DICT ng stalls sa mga remote area para tulungan mapadali ang pagpaparehistro ng mga subscriber.

“They can also buy SIM in stores but it will be only activated if it is registered,” ayon sa ulat.

May parusa rin sa mga service provider na maglalagay sa kompromiso ng mga personal information ng SIM users.

“They will be fined at least P4 million.”

“Hindi po pwedeng ilabas ng mga PTEs yung information na nandoon sa kanila, kaya yung sa mga promos hindi nila magagamit iyon. They have corresponding penalties if they will fail to report the matter,” ayon kay Salvahan.

42

Related posts

Leave a Comment