SABAY-SABAY NA ENROLLMENT IWASAN – DEPED

PINAYUHAN NG Department of Education ang mga magulang na huwag magsabay-sabay ng enrollment ng kanilang mga anak lalo na sa Hunyo 1, Lunes.

Sinabi ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na pinayuhan na nila ang mga eskwelahan na magpatupad ng kani-kanilang paraan ng enrollment maging ang tamang social distancing measures para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

“Do not go to school on June 1…Wait for the call. On Monday they do not need to go to schools. They will wait in their homes,” sinabi ni Malaluan.

Magbubukas ang school year 2020-2021 sa August 24.

Pero dahil hindi ligtas ang physical classes dahil sa COVID-19 pandemic, sinabi ng DepEd na may tatlo silang alternative learning methods o “distance learning modalities”.

Isa ang printed o digital modules na dadalhin sa mga bahay ng mga estudyante o maaring ma-pickup ng mga magulang.

Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na maari rin naman ang online learning platforms, na nagagmit na rin ng ibang eskwelahan.

Sinabi pa ni Briones na maaring gamitin ng mga estudyante ang DepEd Commons.

Bukod pa ito sa television o radio-based instruction. KIKO CUETO

178

Related posts

Leave a Comment