SAKRIPISYO NG MAGSASAKA, KILALANIN

MAGSASAKA-5

NAIS ng isang senador na bigyang halaga ang kontribusyon at sakripisyo ng mga magsasaka at mangingisda sa bayan.

“Isa sa mga napatunayan ng pandemya ang napakahalagang papel ng mga nagpapakain sa atin. Nabuksan ng pandemya ang mga mata natin na hindi tayo mabubuhay kung wala sila. Sana’y maging unang hakbang ang pagkilalang ito sa pagbibigay-halaga sa kanila,” sabi ni Senador Francis Pangilinan na dati ring nanungkulan bilang Presidential Assistant on Food Security and Agricultural Modernization.

“Mapapakita natin ang ating pasasalamat kung patuloy nating direktang tatangkilikin ang kanilang mga produkto katulad ng nangyari nitong quarantine,” dagdag nito.

Tinutukoy nito ang halaga ng pagkain na P2.2 bilyon na binili ng local government units (LGUs) sa mga magsasaka at mangingisda.

Sinabi pa ni Pangilinan na ang Sagip Saka Act ay malaking tulong hindi pa lamang sa mga magsasaka kung hindi sa lahat ng tao.

“Kapag mas na-engganyo na silang magtanim, mas maraming agricultural products ang nasa merkado, mas bababa ang presyo nito, mas maigi para sa mamimili,” sabi nito.

“Batas na itong Sagip Saka. Kailangang malaman ng mga magsasaka at mangingisda kung paano ito gamitin para mapakinabangan nang husto,” ayon pa kay Pangilinan. NOEL ABUEL

272

Related posts

Leave a Comment