SALARY INCREASE SA MGA GURO UMUUSAD NA

(NI BERNARD TAGUINOD)

UMUUSAD na ang mga panukalang batas na magtataas , hindi lamang sa sahod kundi mga allowances ng mga public school teachers sa bansa.

Ito ang nabatid matapos itatag na  ng House committee on basic education na pinamumunuan ni Pasig City Rep. Roman Romulo ang Technical Working Group (TWG) na mag-aaral para sa pagtataas ng sahod at allowance ng  mga public school teacher.

Umaabot sa 36 panukalang batas ang ihahain sa Kamara para sa salary at allowances increase ng mga guro sa bansa na kinabibilangan ng House Bill No.6 o “Teachers Salary Increase Act of 2019”na iniakda ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Itinalaga ng komite si Nueva Ecija Rep. Rosanna Vergara na mamuno sa TWG kaya pinag-isa ang lahat ng mga panukalang batas na ito dahil iisa lamang ang kanilang layunin.

Sa kanyang panukala, sinabi ni Cayetano na kailangang tugunan na ang matagal nang panawagan ng mga public school teachers na dagdagan ang kanilang sahod.

Kabilang din sa mga naghain ng panukala ang Makabayan bloc sa Kamara sa pangunguna ni ACT Teacher party-list Rep. France Castro kung saan nais ng mga ito na itaas sa P30,000 ang buwanang sahod ng mga teacher 1 dahil sa kasalukuyang ay P20,000 lamang umano ang sinasahod ng mga ito.

Ayon naman kay Quezon Rep. David Suarez na kasama ni ALONA party-list Rep. Anna Marie Villaraza-Suarez   na may akda sa House Bill 2475, kailangan nang tulungan ang mga public school teachers para tumaas ang kanilang moral.

“I find that they lack a lot of support in terms of what can be provided to them so that we can further improve their welfare, so that we can further improve their morale especially in the duties that they perform in nation-building,” ani Suarez.

Kasama rin sa tinalakay ang mga panukalang batas na dagdagan ang teaching supplies allowances ng mga public school teachers dahil maging ang mga ito ay tumataas na ang presyo.

 

362

Related posts

Leave a Comment