SC kailangan magdesisyon agad P90-B PHILHEALTH FUND MAUUBOS SA 2025

(BERNARD TAGUINOD)

UMAPELA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Korte Suprema na resolbahin na agad ang usapin sa halos P90 bilyong pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil mauubos na ito kung sa Enero 2025 pa ito aaksyunan.

Nauna rito, itinakda ng Korte Suprema sa Enero 14, 2025 ang unang oral argument sa petisyon na inihain ng iba’t ibang grupo para kwestiyunin ang legalidad ng aksyon ng gobyernong Marcos na ipalipat sa national treasury ang P89.9 billion na hindi ginamit ng PhilHealth sa mga nakaraang taon.

“I appeal to the Supreme Court to hear oral arguments early next month, not in mid-January. Otherwise, it will be too late. The entire P89.9 billion will have been remitted to the treasury by November,” ani Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez.

“Magastos na ang lahat ng pondo pagsapit ng Enero. Wala nang ibabalik sa PhilHealth. The hearing will have lost its usefulness. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?” dagdag pa ng mambabatas.

Noong May 10, 2024, sinimulan na ng PhilHealth ang paglilipat ng pondo sa national treasury na nagkakahalaga ng P20 billion na sinundan noong Agosto 21 na umabot sa P10 billion,
Nakatakdang ilipat naman ang P30 billion sa October 16, 2024 at ang natitirang P39.9 billion ay ibibigay sa November 2024.

Kasabay nito, muling hiniling ni Rodriguez kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na bawiin ang kanilang desisyon na kunin sa PhilHealth ang nasabing pondo dahil maraming mahihirap na nagkakasakit ang nangangailangan ng tulong.

“The President will do justice to the more than 103 million members of PhilHealth if he orders the return of the funds. The money belongs to PhilHealth members, not some personalities who may want to dip their fingers into the P89.9 billion fund,” ayon pa kay Rodriguez.

50

Related posts

Leave a Comment