SC PWEDENG HIRITAN SA INAPRUB NA BUDGET

supremecourt

(NI NOEL ABUEL)

PAGTAKBO na lamang sa Korte Suprema ang nakikita ng ilang senador na sagot para kuwestiyunin ang inaprubahang budget ng Kongreso para ngayong taon.

Ito ang sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa gitna ng alegasyon na may abuse of discretion sa inaprubahang panukalang national budget.

“Pwede po kuwestiyunin sa Supreme Court. ‘Yan po ay isang remedy na available, pwede po na may pumunta at sasabihin na ito ay bawal na naayos sa kaso na decided by the SC,” sabi ni Drilon.

Una nito, sa botong 15-5, nailusot sa Senado ang bicam report para sa 2019 National Budget.

“Bawal na ang pork pero dito eh puno ng pork, sabi nga ni Cong. Rolando Andaya ay year of the pork,” giit ni Drilon.

Ipinaliwanag nito na maaaring gamiting basehan sa reklamo sa Korte Suprema ang kawalan ng sapat na oras sa pagbusisi sa bicam report hinggil sa budget.

Sa reklamo ni Drilon, nabigyan lamang sila ng halos 15 minuto para busisiin ang 50 pahinang report.

“Una binigay sa amin ‘yung bicam report 2pm pipirmahan na, mga 50 pages hindi naman pwede madaliin natin ‘yan,” diin ni Drilon.

“Nakita ko ang abuse of discretion on the part o f many legislators in writing their projects in the budget,” dagdag ng senador.

154

Related posts

Leave a Comment