‘SECRET MEETING’ NI ZUBIRI KINONTRA SA KAMARA

(BERNARD TAGUINOD)

KINONTRA ni House committee on constitutional amendment chairman Rep. Rufus Rodriguez ang ideya ni Senate President Juan Miguel Zubiri na gawing executive session ang pulong ng dalawang kapulungan sa usapin ng Charter change o Cha-cha.

“I am against any executive session or secret meeting on this matter. Let us be transparent: we are discussing the fundamental law of the land, not just a proposed piece of legislation. Let us not hide our discussions from the public,” ani Rodriguez.

Hindi nagustuhan ni Rodriguez ang pagharang ni Zubiri na makadalo siya sa pagdinig ng komite ni Sen. Robinhood Padilla sa usapin ng Cha-cha kaya nagprotesta ito lalo na’t pinaghandaan niya aniya ito nang husto.

Unang sinabi ni Zubiri na nais nilang pairalin ang inter parliamentary courtesy sa pagitan ng dalawang kapulungan kaya hindi pinayagan ang pagdalo ni Rodriguez sa pagdinig.

“I agree that the Senate and the House should observe parliamentary courtesy. However, what is not courteous, even in parliamentary terms, is disinviting a colleague from a co-equal body.

Instead of dispensing with our presence, they should have proceeded to hear us,” sagot ni Rodriguez.

“Sasamahan kita hanggang impyerno.”

Samantala, tila sumumpa si dating House Speaker at Davao del Norte Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez kay Padilla na nagtutulak na amyendahan ang 1987 Constitution at Federal form of government.

Nakahanda umano siyang samahan si Padilla kahit makarating sa impyerno para sa isinusulong na pagbabago sa Konstitusyon.

Inihayag ito ni Alvarez sa Baguio City kung saan nagsagawa ng consultative session ang senador sa kanyang layunin na amyendahan ang Saligang Batas.

Sa nasabing sesyon, inilabas umano ni Padilla ang kanyang sama ng loob dahil marami ang kontra sa Cha-cha gayung 80% ng pamilyang Pilipino ay walang asenso at umaasa lang sa 20% pamilya na nagkokontrol ng negosyo sa bansa.

“Mr. Chairman, kung kailangan, sasamahan kita hanggang impyerno,” ani Alvarez kay Padilla na matagal na ring nagtutulak ng Charter change at gawing unicameral ang sistema sa paggawa ng batas.

108

Related posts

Leave a Comment