SEKTOR NG EDUKASYON, NEGOSYO, MEDIA TARGET DIN NG TSINA – BRAWNER

NAGBABALA si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Gen. Romeo Brawner Jr. sa pagkakalusot ng Tsina sa iba’t ibang sektor sa Pilipinas kabilang na ang media at lokal na pamahalaan.

Sinabi ni Brawner, tina-target ng Tsina ang sektor ng edukasyon, negosyo, media at lokal na pamahalaan sa bansa.

Napaulat na ginagawa ito ng Beijing sa pamamagitan ng “United Front Works” strategy.

“They are slowly entering our country and trying to influence various sectors in our society, including the education sector, business, even the media, and local government units,” ani Brawner.

Sinasabi pa rin na ginagamit ng Tsina ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) para makapasok sa Pilipinas.

“Our counteraction against their United Front Works is that we are going to try to gather information from all of these and then give the proper agency the right kind of information. For instance, what we did in operations against the POGO, it’s not the POGO itself because there are licensed and legal POGOs. We are targeting the illegal establishments, those that were legal POGOs but suddenly became illegal because of other activities they are doing within the confines of their structures. That’s what we are addressing,” ani Brawner.

Gayunman, gumagawa na ng kaukulang hakbang ang AFP para mapigilan ito at ang nakalap nilang impormasyon ay kagyat na ipinadala sa Bureau of Immigration at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Gumagamit din aniya ang Tsina ng fake news bilang taktika.

“We have a campaign, part of our briefing to the President today is our communication plan or campaign called MULAT. We need to awaken and be aware of what’s happening internally in our country,” ang tinuran ni Brawner.

Nauna rito, inilunsad ng AFP ang West Philippine Sea MULAT communication plan para kontrahin ang misinformation na ipinakakalat ng Tsina.

“Hopefully, our fellow countrymen will adopt it. The West Philippine Sea is our ocean, our rights, and our future. What we are doing is not just for the present but also for the future generations of the Philippines,” ayon pa rin kay Brawner. (CHRISTIAN DALE)

34

Related posts

Leave a Comment