(NI NOEL ABUEL)
UPANG hindi masayang ang pera at oras sa inihahaing panukalang batas ng mga mambabatas ay dapat na sumulat ang Ehekutibo kung ano ang nais nitong maging batas.
Ito ang panawagan ni Senate Pro- Tempore Ralph Recto kasunod ng pag-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Endo Bill na ipinasa ng Kongreso.
“But this time, the Executive Branch should write its own version and send it to Congress with an attached presidential certification as to its urgency,” sabi ni Recto.
Mas makakabuti aniya na magpatawag ang Malacanang ng tripartite summit sa pagitan ng mga employers, labor sectors at ng mga ahensya ng pamahalaan.
“Better still, Malacañang should convene a tripartite summit on endo, with business, labor and the government in a frank exchange of views. Lastly, this episode underscores once again the need to strengthen its liaison work with Congress,” paliwanag pa nito.
287