SENADO HATI SA DIVORCE BILL

divorce22

(NI NOEL ABUEL)

ASAHAN na magiging mainit ang magiging talakayan sa Senado hinggil sa panukalang diborsyo sa bansa kasunod na rin ng magkakahiwalay na estado ng mga senador.

Para kay Senador Panfilo Lacson, handa itong suportahan ang nasabing panukala na tatawaging “once in a lifetime” divorce.

“Once in a lifetime, tapos the one who filed for divorce cannot remarry and the one who did not still can. Let’s see. The former will think a million times before he or she files for divorce kasi hindi ka na pwedeng mag-asawa uli pag ikaw nag-file for divorce at na-grant ang divorce,” ayon kay Lacson.

Bagama’t hindi naman aniya nito suportado ang panukala ay handa umano itong makipagdayalogo sa lahat na sektor.

“Gusto ko lang marinig ang arguments sa deliberations, sa committee hearings, tapos sa floor. I tweeted to evoke some discussions. And I received a lot of reactions, for and against. Napag-usapan namin ito kagabi when we were in dinner with the Australian ambassador discussing the anti-terrorism bill. I was with SP Sotto, Sen. dela Rosa. And nag-crop up sa discussion ang issue ng divorce. So I just blurted, sabi ko, tingnan natin, baka pwede once in a lifetime. And immediately I got some positive reactions even from the counterparts, ang mga staff ng Australian Embassy na naroon,” sabi nito.

Sa panig naman ni Senador Dela Rosa, bagama’t nauna nang tutol ito sa diborsyo ay nagbago ang isip nito dahil sa panukala ni Lacson.

“Susuportahan ko ang plano ni Sen. Lacson na ganon nga, isang beses ka lang. Okay lang magkamali ka ng isang beses. Sa pangalawang beses ka magkakamali sinasadya mo na ‘yan,” sabi ni Dela Rosa.

Sa kabilang banda, tiniyak naman ni Senador Joel Villanueva, na haharangin nito ang anumang panukalang divorce bill.

“Over my dead body… I will oppose it. I will definitely oppose it,” sabi ni Villanueva.

Ayon naman kay Senador Imee Marcos, dapat na pag-aralang mabuti ang nasabing panukala lalo na at nakataya ang mga bata dito.

“Let’s take little baby steps so we don’t threaten or in any way endanger the family,” sabi ni Marcos.

“Palawakin at pagtibayin muna ang annulment grounds. Ang mas mahalaga sa akin, pangalagaan ang abandoned or spouse abuse. Even more important, ang mga bata,” dagdag ni Marcos.

 

319

Related posts

Leave a Comment