SENADO, KAMARA TAHIMIK SA PHILHEALTH FUND TRANSFER

IPINAGTATAKA ng mga netizen ang tila pananahimik ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso sa paglilipat ng pondo ng PhilHealth.

Maging ang hindi anila pagkibo o pagpalag ng bussiness sector ay kapuna-puna.

Matatandaang tinawag ni Dr. Tony Leachon ng Philippine Medical Association na “immoral at pagnanakaw” ang paglilipat ng pondo.

“Pagnanakaw po ‘yun. Kasi alinsunod ho sa batas, any pondo po ng PhilHealth, kung sumobra po kayo, gagamitin lang ninyo po sa dalawang bagay: ang una po ay palakihin po ang benepisyo ng bawat pasyente. Ninakawan ka na, niloko ka pa,” diing pahayag nito.

“Nasa General Appropriations Act of 2024, nakasaad dun, tignan ninyo ‘yung mga natutulog na pera na nandiyan sa GOCC na hindi napapakinabangan. Kung may sobra, gamitin natin sa pagpopondo ng unprogrammed fund ng budget. Sa dami ng pangangailangan ng 115 million Filipinos, mula sa kalusugan, sa edukasyon, sa imprastraktura, sa agrikultura, kailangan nagagamit natin nang maayos ang pondo ng taxpayer o pondo ng pamahalaan,” dagdag na pahayag ni Leachon.

Bilang tugon, sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto na ang unang ginawa nila ay binayaran ang P27 billion sa mga frontliner sa panahon ng pandemya.

“Pangalawa, ang budget ng health, on the average, ang increase, mga 25%. Ang isang kulang na kulang natin, ‘yung dagdagan dapat natin ‘yung imprastraktura, dagdag na hospital, dagdag na hospital beds ang kailangan ng public health natin. Kahit may PhilHealth ka, kung walang ospital, magagastos mo ba ‘yung PhilHealth?” ayon kay Recto.

Sa kakapusan naman ng medisina sa mga barangay health center, nilinaw ni Recto na saklaw ito ng budget ng Department of Health at hindi ng PhilHealth.

Ngunit sa social media, nakukulangan ang mga netizen sa mga mambabatas na tila ipinagwawalang-bahala ang ‘pagnanakaw’ sa dapat sana’y pondong pakikinabangan ng mamamayan.

Anila, kulang sa energy ang mga mambabatas pagdating sa usapin ng PhilHealth fund transfer samantalang ‘g’ na ‘g’ sa usapin ng POGO.
Basahin ang ilan sa kanilang mga komento:

Ate Czarot:
Is it just me or is the Philhealth issue still not getting a lot of mainstream media coverage?

The Trainwrecker:
I’m surprised none of the big business associations, like Makati Business Club, MAP, Chambers, etc., have come out in the open to complain since THEY ARE DIRECT CONTRIBUTORS to PhilHealth.
Are they afraid to offend the convicted tax-evading election cheater in Malacañang?

out-of-box thinker:
Another possibility is that they have decided to take the side of the criminal instead of the People. For them, the people are slaves

Vicki:
Mag -ingay! Like,comment, repost. Ipatrending. Swamp @ralphrecto with tags. Kalmpagin pati si #VilmaSantos
#NOplunderofGOCCs (Kinukuha din yung pera ng Philippine Deposit Insurance Corporation)

Mixed Nuts:
Madaming businessmen sip2x sa goberyno . Dapat mga labor unions ang mag ingay

norman:
Yes, sobrang layo ng coverage of the 2. Even the proposed funding for the important “unfunded projects” that ballooned from +200B to +700B. Sobrang sketchy ng galawan ng congress

Audburn:
Nagtataka nga ako, si dr Leachon lang walang tigil sa usapin, at si Cielo Magno.

Kaye:
it’s not. parang walang pake ang mga cong at sen natin dun.

Annamiin:
yan din nga ang tingin ko,eh kasi baka daw para sa pork barrel nila yung iba dun?

Zion:
it’s not. hindi siya ‘popular’. People don’t really care — also Recto wasn’t arrogant about it. His line, “makakabuti ito para gov/tao” v being “improper / possibly illegal” is not sexy.
Confidential funds talaga yung big no because of how Sara Duterte was arrogant about it.

Andres:
The Supreme Court must act immediately on the petition filed regarding the PhilHealth issue.

NoToChaCha:
Yan ang ipinagtataka ko. Pati mga tao, samantalang halos lahat nagbabayad ng premium. Walang pakialam o walang alam sa nangyayari? Dahil nga hindi kino cover ng media?

Alztryfer:
Kasi mga kakampi nila yung gumagawa nun ngayon. Most politicians only care about things their enemies do, of course they’ll keep mum with the dirt of their current “allies” same as how they let sara have her stup!d confidential funds without question back then

anzypanzy:
More like, namanhid na because people all know they are more likely to get away with it no thanks to the leverages we could only envy at this point. Ika nga ng ibang cynics, “Now what?”

Julio:
Baka po hinde nyo lang natatimingan pero binabalita po sa gma..may special feature pa nga si Jessica soho at ininterview nya si sec recto at dr leachon sa kmjs…

kramjo:
Nobody in the media dares to touch such sensitive issue kasi alam nila malalagot sila sa taas!

Xumms:
This. Bakit nde talakayin sa Senado.
Hello ms. @risahontiveros? Since parang kayo lang po nag ttarabaho jan sa Senado bKa pwede nyo po ma highlight

18Years:
isang malaking advertiser rin ang PhilHealth

Ryan:
Mahirap jan even these DDShits are fighting Philhealth critics like Tony Leachon. Hypocrites kamo. O edi talagang baon sa lupa yung issue kase sila sila yung nagsasaksakan.

46

Related posts

Leave a Comment