SENADOR MAY BABALA SA PAGLULUWAG SA NAIA

HINDI dapat isakripisyo ng airport authorities ang kaligtasan ng mga pasahero kapalit ng pagiging kumbinyente at mabilis na proseso sa pagpasok sa mga paliparan.

Ito ang binigyang-diin ni Senador Christopher ‘Bong’ Go sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services kaugnay sa naging aberya sa Ninoy Aquino International Airport noong Enero a-uno.

Sinabi ni Go na napansin niyang inalis sa NAIA ang first layer ng security check o ang Xray machines sa pagpasok sa terminals.

Para kay Go, dahil sa pinaluwag na seguridad sa paliparan, tila naghihintay ang lahat ng mangyayaring pag-atake ng terorismo.

Kasabay nito, nais din ni Go na amyendahan ang Air Passenger Bill of Rights upang matiyak ang kompensasyon sa mga ito sa delay o kanselasyon ng kanilang byahe nang hindi nila kasalanan o maging ng airline companies.

Sinabi ni Go na mayroong P147 million na pondo para rito ang Civil Aeronautics Board sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act.

Dapat anyang tanungin ang CAB kung saan nito gagastusin ang pondo. (DANG SAMSON-GARCIA)

74

Related posts

Leave a Comment