(NI BERNARD TAGUINOD)
KUNG binusisi ng Senado ang bersyon ng Kamara sa 2019 national budget, ganito rin ang gagawin ng mga kongresista sa Senate version.
Inamin ito ni House appropriation committee chair Rolando Andaya Jr., matapos maudlot ang tuloy-tuloy na pulong ng Senate at House continget sa Bicameral Conference meeting sa national budget na nagkakahalaga ng P3.757 Trillion.
“They (Senate) review our version. We review theirs. Makapal po ang budget. Thousands of pages,” ani Andaya.
Ginawa ng kongresista ang pag-amin matapos sabihin ni Sen. Panfilo Lacson na dapat ipinagpatuloy ang bicam ngayong araw subalit nais umano i-review ng House contingent ang insertions ng mga senador sa budget.
Noong Martes ay sinimulan ang bicam at inakala ng lahat na tuloy-tuloy ito hanggang matapos subalit hiniling umano ng House contingent na sa Lunes, Enero 28 na ituloy dahil irerebyu ng mga ito ang bersyon ng Senado.
Ang lahat ng usapin ng pananalapi lalo na ang pambamsang budyet at pagbubuwis ay nagsisimula sa Kamara bago ito aksyunan ng mga Senador para sa hiwalay na bersyon ng mataas na kapulungan.
309