SHIPPING NG RELIEF GOODS SA PANAHON NG KALAMIDAD, PINALILIBRE

relief goods-4

ISINUSULONG ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. na tanggalin ang ipinapataw na shipping fees ng transport service providers upang matiyak ang sapat at mabilis na paghahatid ng relief goods sa mga nasalantang lugar sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa inihaing Senate Bill No. 1560, o ang Relief Goods Free Transportation Act, sinabi ni Revilla na layon nito na makapagbigay ng libreng freight services ng relief goods sa mga lugar na idineklarang nasa state of calamity ng Pangulo o ng local government unit (LGU).

“Mas madalas kesa hindi na ang pagbibiyahe ng mga relief goods sa kabila ng humanitarian reasons ay dumaranas ng malaking gastusin, lalo pa at may mga tawid-dagat at mga kabundukan sa ating bansa na nakakadagdag pahirap sa pagbibiyahe ng mga relief goods” ani Revilla.

Idinagdag pa nito na ang pamamahagi ng relief assistance sa komunidad na apektado ng kalamidad ay ginagampanan ng pribadong indibidwal, kumpanya at non-government organizations sa mga relief operation.

Sa ilalim ng batas, ang Office of the Civil Defense (OCD), sa pakikipagtulungan ng Philippine Postal Corporation (PPC) at lahat ng freight companies, common carriers, private carriers, freight forwarders at iba pang kumpanya na naghahandog ng logistic services sa bansa ay inaatasang maghatid ng relief goods nang walang bayad. NOEL ABUEL

55

Related posts

Leave a Comment