SHUTTLE SERVICE NG PRIVATE COMPANIES DAPAT LIBRE – MALAKANYANG

OBLIGASYON ng mga company owner o employers na magbigay ng libre o free shuttles para sa kanilang mga empleyado na manggagaling sa mga lugar na wala pang operasyon ang mga pampublikong transportasyon dahil sa patuloy na ECQ at modified ECQ implementation.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi pinilit ng gobyerno na magbukas ang lahat ng mga kumpanyang pinayagan nang magbalik operasyon sa ilalim ng modified ECQ o GCQ.

Una na aniyang sinabi na kung hindi kakayaning makapag-provide ng transportasyon para sa kanilang mga empleyado ang isang kumpanya, mas mabuting huwag na lamang muna itong magbukas.

Kaya naman ani Sec. Roque, dapat lamang na balikatin o ilibre na ng mga company owner ang ibibigay na shuttle service sa kanilang mga empleyado. CHRISTIAN DALE

90

Related posts

Leave a Comment