SIMBAHAN BUBUKSAN NA SA MGCQ

MAAARI nang magdaos ng religious gatherings ang mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine.

Iyon nga lamang, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ay kailangan na maximum ng 50%’ worship venue capacity lamang.

Ani Sec. Roque, ang desisyon ay ginawa ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases matapos umapela ng partial reopening ang mga lugar ng sambahan.

Tanging limang katao ang maaaring dumalo sa religious gathering sa lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine at 10 katao naman sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine, ang nakasaad sa kasalukuyang guidelines.

Binago ng IATF ang rules sa paggalaw ng mga tao sa MGCQ areas.

Sa kabilang dako, sinabi ni Sec. Roque na ang mga 21 years old, 60 years old pataas, buntis at may health issues ay kailangan na manatili sa loob ng bahay.

Exempted naman mula sa bagong rule ang mga authorized person outside residence (APOR).

Ang lahat ng tao na papayagan na lumabas ng bahay ay dapat sinusunod pa rin ang minimum health standards. CHRISTIAN DALE

68

Related posts

Leave a Comment