SINAGIP NA CHINESE ‘FISHERMEN’ SA SAMAR WALANG GAMIT PANGISDA

PATULOY ang pagsisiyasat ng Philippine Authorities sa hinatak nilang fishing boat at sa mga na-rescue na pitong Chinese nationals sa karagatan ng Guiuan, Eastern Samar.

Ito ay matapos matuklasan sa pagbusisi sa bangka na walang kagamitan para sa pangingisda ang mga Chinese na nagpakilalang mga mangingisda.

Matapos magpasaklolo, hinatak ng Philippine Coast Guard BRP Cabra papuntang Tacloban City ang Chinese vessel na nagkaaberya sa laot ng Eastern Samar. Sinasabing napadpad lamang umano ito sa dagat ng Pilipinas dahil sa sama ng panahon at nasira ang timon kaya nagpalutang-lutang.

Inakyat at ginalugad ng mga awtoridad ang bangka ngunit wala umanong nakitang gamit na pangisda ang mga awtoridad na kanilang ipinagtataka.

Ayon kay LCDR Ramil Montemar, PCG Station Commander ng Coast Guard Station Eastern Leyte-Tacloban, aalamin nila kung bakit, paano at ano ang ginagawa ng mga Tsino kaya napadpad sila sa dagat ng Pilipinas.

Samantala, agad nagpasalamat ang China sa Pilipinas sa pagsagip sa pitong Chinese crew.

Nagpahayag si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ng taos-pusong pasasalamat ng kanilang hanay kay PCG Commandant Artemio Abu.

“Our sincere gratitude and deep appreciation to Commandant Abu and PCG for their immediate response and humanitarian efforts to help the Chinese fishing vessel and 7 Chinese fishermen on board,” pahayag ni Huang.

Kasabay nito, sinabi ni Huang na isang Pilipinong mangingisda rin ang na-rescue ng Chinese vessel sa Davao Oriental ng East of Philippine Sea matapos ding magkaaberya ang sinasakyang bangka.

“These moves are in line with and concrete implementation of the important consensus reached by our two Presidents on strengthening communication and improving dialogue mechanisms between our two Coast Guards, properly managing maritime differences through dialogue and consultation while expanding practical cooperation on the sea. These stories are also good testament to the millennium friendship and bayanihan spirit between the Chinese and Filipino peoples,” dagdag ni Huang. (JESSE KABEL RUIZ)

44

Related posts

Leave a Comment