(NI BETH JULIAN)
KAHIT pa umano tinanggal na sa puwesto, hindi pa rin lusot sa pananagutan ang mga opisyal ng gobyerno na sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos ihayag ng Pangulo na pinakakasuhan nito sa Office of the Ombudsman ang mga sinibak na opisyal dahil sa korapsyon.
Sa talumpati ng Pangulo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Cagayan de Oro, sinabi nito na personal itong nakipag ugnayan sa Ombudsman at ibinilin na pagkatapos ng imbestigasyon ay dapat nang sampahan ng kaso ang mga nararapat na kasuhan.
Matatandaan na una nang sinibak ng Pangulo sina dating DILG Secretary Mike Sueno, dating Dangerous Drugs Board Chairman Dionisio Santiago, dating CHED Chairperson Patricia Licuanan, at dating PCUP Chair Terry Tidon dahil sa kwestyunable at madalas na pagbiyahe sa abroad.
396