SOBRANG SINGIL NG MERALCO IBABALIK

meralco8

Tiniyak ng Manila Electric Company (Meralco) na ibabalik ng mga ito sa kanilang consumers ang sobrang singil sa electric bill ngayong buwan ng Mayo.

Sa virtual hearing ng House energy committee na pinamumunuan ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, sinabi ni Victor Genuino, vice president at head ng Meralco Corporate Business Group na lahat ng mga nakapagbayad na ng kanilang bill ay magkakaroon ng refund kapag napatunayang sobra ang ipinadalang bill sa mga ito.

Una rito, inatasan ni Velasco ang Meralco na muling magsagawa ng meter reading matapos putaktehin ng reklamo ang Kongreso hinggil sa doble o higit pa na bill ng kanilang customers.

Ayon sa mga kinatawan ng Meralco na dumalo sa nasabing pagdinig, susunod sila sa kautusan ng Kongreso kaya magsasagawa aniya ang mga ito ng meter reading sa lalong madaling panahon.

“Once we are able to meter read, what we would be able to get is the customer’s true and actual consumption,” ani Genuino at anumang sobra ay maaari aniyang irefund ng kanilang mga consumer o kaya ibabawas na lang sa susunod nilang billing.

Magugunita na hindi nagkaroon ng meter reading ang Meralco matapos isailalim ang bansa sa community quarantine subalit nagreklamo ang kanilang mga customer dahil kung hindi nadoble ay natriple ang kanilang bill. BERNARD TAGUINOD

106

Related posts

Leave a Comment