SOCIAL MEDIA DETOX SA KUWARESMA, HILING NG OBISPO

fb

(NI HARVEY PEREZ)

HINIMOK ng isang obispo ng Simbahang Katoliko na isama sa kanilang gagawing sakripisyo sa paggunita ng Kuwaresma ang pag log -out sa kanilang mga  social media account gaya ng Facebook, Instagram at Twitter.

Sinabi ni  Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chair ng Episcopal Commission on the Laity, ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), mas mainam na gugulin ang oras na inilalaan sa social media sa pananalangin at pagninilay.

“Maganda nga instead of a pagbabantay sa Facebook o sa TV, magdasal muna tayo o magbasa ng Bible o makipag-usap sa isang may sakit. So yang mga bagay ba na what you denied to yourself you give to the others.’Yan yung mahalaga i-connect natin yan,” ayon kay Pabillo.

Sinabi pa ng  obispo na ang pagpipigil sa mga bagay na labis nating kinagigiliwan tulad ng social media ay maaring isang paraan ng pagsasakripisyo at pagdidisiplina sa sarili.

5

Related posts

Leave a Comment