SOGIE BILL ‘DI TIYAK KUNG ‘URGENT’ SA PALASYO

(NI BETH JULIAN)

WALA pang posisyon ang Malacanang kung sesertipikahang urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) equality bill.

Ito ay matapos igiit ng transwoman na si Gretchen Diez na sinabi sa kanya ng Pangulo  nang magkita sila na sesertipikahan nito ang panukala bilang urgent bill.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, aalamin pa niya sa Pangulo ang posisyon ukol s panukala.

Sinabing ang pag uusap ay naganap lamang sa pagitan ni Diez at ng Pangulo kaya’t kinakailangan niya itong linawin.

Una nang sinabi ng Pangulo na dapat ay pantay pantay ang lahat at ayaw niyang may madehado ng pagtrato sa sinuman.

90

Related posts

Leave a Comment